Friday, September 16, 2011

Ang Panganib na Dala ng BER Months


Let me share how my cynicism helped me today. 

1:12 pm --- nasa loob ako ng air-conditioned Taguig Metrolink Bus papuntang Ayala, Makati


Mamimikit mikit ang mga mata ko sa antok..kaya ayun halos mauntog na ako pag biglang preno ng bus. Isang normal na araw, nakaupo ako sa upuan na pangdalawang tao at siniguro kong malapit ako sa binatana, kung hindi, for sure mahihilo at masusuka ako. May isang mamang tumabi sa akin.Kadalasan kapag may tumatabi, di ko tinitingnan ang mga mukha. 

[All pictures in this post is from google images]
Parang nananaginip pa ko nun ng bigla akong maalimpungatan. Napansin ko si kuya na nakasuot ng :


Tama! same exact jacket as the one posted above. Mukha siyang disente at malinis..pero naramdaman kong iniipit niya ko papuntang bintana. NakaCROSSED arms siya. 
Tulad ng nasa baba pero mas mataas. Yung tipong halos yung kamay niya ay ipit na nag kili-kili niya: 


Umandar na ang pagka maduda kong tao dahil kung nagbabasa kayo nito..dalawang beses na po akong naholdap. 

So ayun na nga..lumipat ako ng upuan, mas malapait sa driver. 

Pagdating ng Farmer's Cubao, yung babae at mamang nasa tabi ko eh bumaba. 

At gulat ko ng tumabi uli saking si "Ateneo guy" na parang di mapakali. Pero dali na naman akong lumipat ng upuan at tsempo naman siyang bumaba na lang. 

Sabi ko sa sarili ko "Paranoid lang talaga ako". Ikinokondisyon ko na ang sarili ko na wag masyadong paranoid...na di lahat ng ominous-looking people ay holdaper/snatcher..
 nang biglang...

... may isang babae na sana ay bababa ng Farmer's pero sabi niya ilampas na lang daw siya. Yung si "Ateneo guy" daw kasi tinabihan siya at dinudukot side ng bag niya. Di siya umalma..Pero natakot siya baka daw abangan siya pag baba. 

Sapul!!! 

Tama ang hinala ko. 

Holdaper si "Ateneo guy"

Natulalala na lang ako at nagpasalamat sa panginoon na di ako o sinuman sa bus ang naholdap. Ilang buwan ko palang nagagamit ang bago kong ellphone..at buo ang pera kong dala nung time na yun. 

Thank you Lord at ginising Niyo po ako!!

Nasabi ko sa sarili ko na di pa ako nakakarecover from the traumatic experience I had..sa mga nasasaksihan ko sa paligid. Parang nawawalang na akon ng pag-asa na may magbabago pa. 

Kaya gusto ko na lang ibahagi ang aking mga naranasan sa iba para at least maiwasan nila.

Sa JEEP/BUS


1. Huwag magtetext o maglalabas ng anumang mamahaling gamit pag nasa loob na ng jeep.

2. Iwasang maupo sa duluhan. 

3. Huwag hayaang masiksik o mapagitna ng dalawang kahinahinalang mga mama. 

4. Kapag naramdamang parang naipit ang bag mo..maalarma ka na. Pwedeng 'laslas bag' gang na yan. 

5. HUWAG MATULOG! 

6. Tumabi sa mga mapagkakatiwalaang mukha. 



Sa MRT: 

1. Kapag madami na..huwag nang piliting makipagsiksikan sa pwesto ng mga lalake. Pumunta na lang sa area ng train na assigned for women. Madaming manyak ang naglipana. 

2. Siguraduhing ramdam at nakikita mo ang iyong bag. 



Hindi pong masama maging alisto minsan. Lalong lalo na po ngayong BER months na. 




3 comments:

  1. Grabe. Buti walang nangyari sayong masama. Thanks for sharing these tips too. Dati nag bus din ako, may mga mama rin na palipat lipat ng upuan. Yun pala, nanakawan na yung kalikod kong lalake kasi tulog siya. Naslash yung bulsa ng maong nya. Sa Cubao bumaba yung mga magnanakaw. :|

    ReplyDelete
  2. oo nga.Grabe na ang panahon ngayon. Mahirap kilalanin ang matino sa hindi.

    Anyway, thanks for reading Helen!

    ReplyDelete
  3. Thanks for sharing this post. It reminded me to be more careful, especially on my next commute. Which is tomorrow! XD

    ReplyDelete

Mga sumabay sa aking byahe